(2020.03.18)
Babala Ukol sa COVID-19
Ang isang bagong kaso ng COVID-19 (isang indibidwal na bumalik sa Japan mula sa New York, USA) ay nakumpirma sa loob ng Gifu Prefecture.
Ang sinumang bumalik mula sa ibang bansa, nakatira o namumuhay kasama ang isang tao na kababalik lang mula sa ibang bansa (kabilang na nakasama ang loob ng isang sasakyan o eroplano) at may mga sumusunod na sintomas ay dapat na agad na ipagbigay-alam sa isang Consultation Center para sa mga Returnees at sa mga may Close Contact, anuman ng nasyonalidad o lugar ng paninirahan.
・Listahan ng mga Consultation Centers para sa mga Returnees at mga Close Contact, (i-click ang pdf)
· Mga konsultasyon sa wikang banyaga:
Consultation Center para sa mga Banyagang Residente ng Prepektura ng Gifu : 058-263-8066
① Mga sintomas ng sipon (colds) at lagnat na mas mataas sa 37.5°C ng apat (4) na araw o higit pa.
② Matinding pagod o panghihina at hirap sa paghinga Alalahanin na lalong lumalala ang sakit ng mga taong nakalista sa ibaba kapag nahawaan ng virus at kailangan tumawag sa consultation center kung mayroong nakitang ① at ② na sintomas ng dalawang (2) araw o higit pa.
Alalahanin na lalong lumalala ang sakit ng mga taong nakalista sa ibaba kapag nahawaan ng virus at kailangan tumawag sa consultation center kung mayroong nakitang 1 o 2 sintomas ng dalawang (2) araw o higit pa.
・Mga matatanda
・May sakit tulad ng diabetes, cardiac insufficiency, o respiratory disease (COPD, etc.)
・Dialysis patients ・Umiinom ng immunosuppressive o anti-cancer drugs
・Mga buntis