Ang GIC ay naglaan ng "Sistema Para sa Pagpaparehistro ng mga Boluntaryo" para sa ikasusulong ng mga mamamayan sa prepektura gayundin ng International Exchange at Foreign Resident Support. Sa sistemang ito, sa pamamagitan ng referral ay ipinakilala mula sa mga nakarehistro na ng patiuna ang mga boluntaryo ayon sa kahilingan ng GIC at iba pang organisasyon ng International Exchange. Bilang karagdagan, maliban sa isinasagawang iba't ibang pagsasanay na sinusuportahan ng GIC, may mga pagkakataon rin na nagbibigay sila ng giya o gabay para sa pagdiriwang o pagtitipon na sinusuportahan ng ibang organisasyon. Hinihintay namin ang pagpaparehistro ng mga nagnanais na sumuporta sa boluntaryong aktibidad ng International Exchange at Foreign Support.
Pumili ng boluntaryong aktibidad (walang limitadong bilang o pwede kahit ilan) sa 「Uri ng Boluntaryo」na nasa ibabang bahagi na nais iparehistro, matapos punan ang nakatalagang application form, mangyaring ipadala ito sa pamamagitan ng koreo o dalhin ito ng personal sa aming tanggapan.
Bilang patakaran, ang rehistrasyon ay awtomatikong naka-update hanggat walang aplikasyon ng pagbibitiw mula sa rehistradong boluntaryo.
Tuwing ika-tatlong taon, ipapa-alam ang tungkol sa kumpirmasyon sa detalye at renewal ng rehistrasyon, kaya't hinihiling namin ang inyong kooperasyon.
Bilang karagdagan, kung mayroong pagbabago sa detalye ng rehistrasyon, mangyaring kaagad na makipag-ugnayan sa GIC.
Ang mga maaaring gumamit lamang ng "Sistema para sa Pagpaparehistro ng mga Boluntaryo" ay ang mga pampublikong institusyon at International Exchange Organization atbp.
Pinapayagan ang ibang nagnanais na gumamit kung ang aktibidad na gagawin ay walang koneksyon sa mga pagkakakitaang mga bagay.
Sakaling may kahilingan para sa referral, ang humihiling ay mapagbibigyan ayon sa pahintulot ng rehistradong boluntaryo. Ayon sa impormasyon, isasagawa ang koordinasyon sa may kaugnayan na partido, subalit hindi responsible ang GIC sa aktibidad na gagawin. Para sa kaukulang bayad, bilang patakaran ang Boluntaryong Aktibidad ay isinasagawa ng libre, subalit para sa kinakailangang bayad para sa transportasyon at iba pa ay sagutin ng taong humihiling ng referral.
Para sa mga rehistradong may determinasyon para sa pakikipagtulungan ay kinakailangan na mag-subscribe ng Volunteer Activity' Insurance. Ang kaukulang bayad at proseso ay isasagawa ng Center. Subalit hindi kabilang sa insurance na ito ang mga kasalukuyang nasa akomodasyon ng Homestay Activity.
Interpretasyon ・Pagsasalin-Wika
Nilalaman ng Aktibidad |
Interpretasyon para sa pagtulong at pagtanggap ng mga bisita mula sa ibang bansa. Pagsasalin-wika at interpretasyon ng mga simpleng pang-administratibong dokumento mula sa kahilingan ng prepektura at munisipalidad. |
Kinakailangang Kuwalipikasyon |
(Ingles) May kapasidad na Level 2 sa English Examination (EIKEN) o 600 points sa TOEIC. |
Registration Form para sa Boluntaryo para sa Wika o Lengguwahe | 22KB |
Nilalaman ng Aktibidad | Suportang pang-interpretasyon at pagsasalin-wika sa evacuation area bilang pagtugon mula sa kahilingan ng Disaster Management Headquarters ng Prepektura ng Gifu at iba pang munisipalidad sa oras ng kalamidad. |
Kinakailangang Kuwalipikasyon |
May kakayahang makipag-usap ng mahigit sa dalawang wika o lengguwahe kabilang ang sariling wika ng higit pa sa pangaraw-araw na pakikipag-usap. |
Registration Form para sa Tagasuporta sa Iba't Ibang Wika o |
28KB |
Nilalaman ng Aktibidad |
Pag-aaral ng wikang Hapon sa Japanese Classroom na isinasagawa sa Prepektura sa pamamagitan ng mga boluntaryo. Pagbibigay sa mga dayuhan ng mahahalagang impormasyon may kinalaman sa pamumuhay upang makapamuhay sa Hapon. |
Registration Form para sa Boluntaryong Suporta sa Wikang Hapon | 21KB |
Nilalaman ng Aktibidad | Pagsasagawa sa Prepektura ng boluntaryong pagtuturo ng wikang Hapon sa Japanese Classroom, workshop o pagsasanay at sesyon ng pag-aaral. |
Kinakailangang Kuwalipikasyon |
Para sa mga tumutugon alinman sa mga sumusunod: *Pasado sa Japanese Education Proficiency Test. *Nakompleto ang Japanese Teacher Training Lecture (420 oras bilang alituntunin ng Ministry of Education, Sports, Science and Technology). *Nag-aral ng apat na taon o nakatapos sa kolehiyo major/minor in Japanese Subject o Japanese Education Subject. *May mahabang karanasan sa pagtuturo ng Wikang Hapon sa paaralan ng Hapon at iba pa. |
Registration Form para sa Suporta sa Pagtuturo ng Wikang Hapon (Boluntaryo) | 21KB |
Nilalaman ng Aktibidad |
Pagpapatuloy o pagtanggap ng mga dayuhan sa bahay, upang maipakilala ang buhay at kultura ng bansang Hapon sa pamamagitan ng karanasan sa pangaraw-araw na pamumuhay. |
Registration Form para sa Homestay Volunteer | 29KB |