Pangunahing Pahina
Impormasyon mula sa GIC
Measures ng "State of Emergency" (Buod) Mga Kahilingan sa mga Business Operators

Published: Enero 14, 2021

Revised: Pebrero 4, 2021

COVID-19 Infection Measures Headquarters

Gifu Prefectural Government

 

Measures ng "State of Emergency" (Buod)

Mga Kahilingan sa mga Business Operators

 

(1)   Mahigpit na Pagsunod sa mga Guidelines para sa Eating and Drinking Businesses mula sa Guidelines ng bawat uri ng Negosyo

  • Ang mga "negosyong kainan at inuman (restawran at bars) na may entertainment services" na hindi nagsumite ng Infection Prevention Measures Manual ay hinihimok na pansamantalang magsara.
  • Ang mga business branches kung saan may mga COVID-19 clusters na naganap ay sinasabihan pansamantalang magsara at pinupuntahan para sa on-site inspection. Pagkatapos mabigyan ng instructions para sa infection prevention measures, sisiyasatin ang manual (kailangan ulit ito i- resubmit).
  • Maliban dito, magsasagawa ng 'sampling investigations' (swab testing ng staff) sa mga lugar kung saan madaming naganap na COVID-19 clusters katulad sa mga omise, atbp.

 

(2)   Kahilingan sa pagpapaikli ng Business Hours ng mga Restawran at Bars

 

【Pebrero 8 (Lunes) ~ Marso 7 (Linggo)】

・   Target: Restawran at Bars (nagsisilbi man ng alak o hindi)

・   Kahilingan: Pagpapaikli ng business hours hanggang 20:00 at pagpapaikli ng oras ng pagsisilbi ng alak mula 11:00 hanggang 19:00

・   Compliance Fund: Makakakuha ng \1,680,000 ang bawat business branch na sumunod sa mga kondisyon para sa buong 28 araw.

※   Ang business branch ay dapat may "Sticker for Business Branches Implementing COVID-19 Measures".

※   Maaaring magkaroon ng pagbabago sa mga nakasulat sa itaas, tulad ng pagbago sa demand period o halaga ng compliance fund, kung may magbago sa Basic Measures Guidelines ng gobyerno.

 

 

<Ang mga nakasulat sa ibaba ay hindi nabago mula noong Enero 14 na publikasyon >

 

(3) Paghihigpit sa Pagdaos ng mga Event atbp.

  • Indoor at outdoor events ay limitado sa 5,000 katao o mas kaunti.
  • Bilang karagdagan, ang mga event na gaganapin indoor ay dapat 50% o mas mababa sa kapasidad ng venue.
  • Pagpapaikli ng business hours hanggang 20:00.

 

(4) Paghihimok ng Pagpapaikli ng Business Hours para sa iba ding mga Businesses

  • Target: Mga establishments maliban sa mga Restawran at Bars tulad ng tinukoy sa Artikulo 11 ng Special Measures Law Enforcement Order (hindi kasama ang mga paaralan, nursery, mga businesses na nagbebenta ng essential daily life goods at mga businesses na nag-aalok ng mga serbisyong mahalaga sa pang-araw-araw na buhay atbp.)
  • Nilalaman: Pagpapaikli ng business hours hanggang 20:00 at pagpapaikli ng oras ng pagsisilbi ng alak mula 11:00 hanggang 19:00.
  • Target na Pasilidad:

 

Establishment

Measures

Gym, Amusement area

  • Pinaikli ang business hours hanggang 20:00 at pagsisilbi ng alak hanggang 19:00

 

  • Pag-uudyok na limitahin ang events hanggang 5,000 katao at pagbawas ng gamit sa 50% less venue capacity

Teatro, Gallery, Sinehan at Performance Venue

Gathering venues, Public Halls at Exhibition Centers

Museums, Art Museums at Libraries

Hotel at Ryokans (limitado sa mga bahaging ginagamit para sa mga events)

※hindi kasama ang mga pasilidad na na-target ng pangangailangan para sa pagpapaikli ng mga oras ng pagpapatakbo batay sa Special Measure Law

Entertainment facilities (mga pasilidad na hindi nakakuha ng pahintulot upang mapatakbo ang isang negosyo sa restawran at bar sa ilalim ng Food Sanitation Law)

  • Pag-uudyok ng pagpapaikli ng business hours hanggang 20:00 at pagpapaikli ng pagsisilbi ng alak hanggang 19:00

Business na nagbebenta ng goods at may floor area na mas malaki sa 1,000㎡ (Hindi kasama ang essential daily life goods.)

Business na nagbibigay ng serbisyo at may floor area na mas malaki sa1,000㎡ (Hindi kasama ang mga serbisyo sa pang-araw-araw na mga pangangailangan.)