(2021.03.10)
COVID-19 Emergency Measures (Buod)
Pag-iwas sa Karagdagang Pagkalat dahil
Layunin Matapos ang 3rd Wave
Marso 8 hanggang sa mga unang araw ng Abril
Issued: Marso 5, 2021
COVID-19 Infection Measures Headquarters
Gifu Prefectural Government
Pinatupad ang mga COVID-19 countermeasures ng halos apat na buwan mula nang magsimula ang 3rd Wave. Bilang resulta, ang State of Emergency sa prepektura ay tinanggal at nasa "Stage 2" na tayo sa framework na binigay ng Japanese government.
Gayunpaman, hindi nangangahulugan na ang 3rd Wave ay tapos na. Kinakailangan manatiling maingat dahil ang bilang ng mga infected ay hindi sapat na bumaba at, mula sa mga natutunan noong nakaraang taon, dadami ang aktibidad ng mga tao at high- infection risk events sa susunod na buwan (spring season).
Bilang karagdagan, kung ang sitwasyon ng impeksyon sa Prepektura ay magiging "Stage 3" sa framework na ibinigay ng Japanese government, agad naming susuriin ang mga measures ayon sa pagbabago ng sitwasyon.
Sa mga mamamayan at negosyo sa prepektura, ipagpapatuloy gawin ang "Behaviour Changes".
|
(1) Lubusang pag-iwas sa mga Spring events na may high infection risk (welcome at farewell party, flower- viewing (hanami) party, at anumang party na may kainan at inuman, atbp.)
(2) Iwasan o ipagpaliban ang mga Graduation trips, atbp. (mga events na hindi maiiwasan ang dagsaan ng mga tao para kumain o uminom)
(3) Maingat na pagpapasya sa "pagpunta sa ibang Prepektura", "paglabas-labas", at "kainan o inuman".
(4) Mahigpit na pagpapatupad ng mga infection prevention measures sa mga establisyamento, lalo na sa mga negosyong may kainan at inuman.
Importante na ipagpatuloy ng mga business operators at customers na gawin ang infection prevention measures.
Pagkansela sa pagpapaikli ng Business hours sa mga restawran, atbp.
(5) Pagpapatuloy ng mga inisyatibo tulad ng "work-from-home" at flexible working hours para mabawasan ang bilang ng mga empleado sa opisina.
(6) Patuloy na restrictions o paghihigpit sa pagbuo ng events.