Pangunahing Pahina
Impormasyon mula sa GIC
Pag-pigil sa Pagkalat 4th Wave (Buod)



COVID-19

Pag-pigil sa Pagkalat 4th Wave (Buod)

Issue: Abril 8, 2021

COVID-19 Infection Countermeasures HQ

Gifu Prefectural Government 

 

 


     Ang bilang ng COVID-19 infections ay mabilis na tumataas sa buong bansa at ang unang semi- emergency measures ay pinatupad sa Miyagi, Osaka ay Hyogo Prefecture mula Abril 5 hanggang Mayo 5.

     Dumarami din ang infections sa ating prepektura kaya masasabing pumasok na dito sa atin ang "4th Wave ng COVID-19".

     Nais naming hilingin sa lahat ng mamamayan at business operators ng Gifu na mahigpit na ipagpatuloy gawin ang "New Behavior Guidelines".

     Kung kinakailangan, isasaalang-alang namin ang pagpapatupad ng stronger measures, kasama ang kahilingan na paikliin ang business hours.



Mahigpit na Pagpapatupad ng "New Behavior Guidelines"

Ipagpatuloy gawin ang basic infection prevention measures (pagsuot ng mask, handwashing, pag-iwas sa 3 C's)

 


(1)   Pag-iwas sa hindi importanteng "pagpunta sa ibang prepektura", "paglabas-labas", at "mga kainan at inuman"

Partikular na iwasan o ipagpaliban ang pagpunta sa mga lugar kung saan kumalat ang impeksyon (lalo na sa Kansai Region).

 

(2)   Sa mahabang bakasyon (tulad ng Golden Week), gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang impeksyon

Iwasan ang malaking bilang ng mga kainan sa pagitan ng mga kamag-anak o kaibigan na umuwi o dumayo para sa bakasyon.

・Sa "Coming-of-Age Ceremony", lubusang ipagpatupad ang "infection prevention measures", tulad ng pag-iwas sa after-parties (nijikai), bar hopping, atbp.

・Sa BBQ, iwasan ang mahabang oras ng kainan/ inuman at huwag magpaka-lasing.

Iwasan mag-karaoke/ kumanta kung hindi kaya na mag-mask ng maayos habang ginagawa ito.

 

(3)      Mahigpit na pagpapatupad ng Infection Prevention Measures sa mga establisyemento lalo na sa mga kainan at inuman.

・Mahigpit na pagpapatupad at pagsunod sa mga guidelines para sa mga business.

Pagpapatupad ng "Preventive Testing" (mula sa "Medical at Welfare Measures")

①   Pinalawak na saklaw ng "Preventive Testing" sa mga Welfare Facilities

②   Pinalawak na saklaw ng "Preventive Testing" sa foreign pubs, atbp.

・Regular na gagawin sa mga simbahan at Japanese language schools sa katapusan ng Abril.

※Sa Ogaki, Kani at Minokamo City, kung saan ang bilang ng mga dayuhang mamamayan ay mataas.

Sa pakikipagtulungan sa mga "Hakken Gaisha", atbp., hinihimok na aktibong magsagawa ng "preventive test" para sa mga trabahador na dayuhang residente.

③   Pagpapatupad ng "monitoring test" kaakibat ng national government.

・Pangunahing isasagawa sa mga lugar na may mataas na peligro ng impeksyon tulad ng mga entertainment districts.


 1新型コロナウイルス「第4波」拡大阻止対策.png2新型コロナウイルス「第4波」拡大阻止対策.png