(2021.05.07)
Gifu in a Semi-State of Emergency (Buod)
Napagpasyahan: 2021 Mayo 7
COVID-19 Infection Countermeasures HQ
Gifu Prefectural Government
Nakatanggap ng designasyon mula sa National Government ang Gifu bilang isang lugar kung saan ipapatupad ang semi (quasi)- state of emergency. Dahil dito, magsasagawa ng stricter antivirus countermeasures hanggang katapusan ng Mayo.
Countermeasure 1: Para sa Food and Drinking Businesses
【Para sa mga Restawran, atbp.】
〇 Ipagpatuloy ang hiniling na pagpapaikli ng business hours.
Mga requirement para makatanggap ng Compliance Fund:
• Huwag mag-serve ng alak the whole day
• Pagpigil sa paggamit ng karaoke set
Target Period:mula Mayo 9 (Linggo) hanggang Mayo 31 (Lunes) (23 days)
*Grace period ang Mayo 9~11.
Detalye ng Kahilingan:Pagpapaikli ng Business Hours:5:00 ~ 20:00
Target Area:Gifu-shi, Ogaki-shi, Tajimi-shi, Seki-shi, Nakatsugawa-shi, Hashima-shi, Minokamo-shi, Toki-shi, Kakamigahara-shi, Kani-shi, Mizuho-shi, Motosu-shi, Ginan-cho, Kasamatsu-cho, Yoro-cho, Kitagata-cho
Compliance Fund:Ang makukuha bawat araw ay,
Bawat branch ng small/ medium businesses:¥30,000 ~ ¥100,000
Bawat branch ng large businesses:: Decrease in daily sales x 0.4
(Up to ¥200,000. Maaari din piliin ang option na ito ng small/ medium businesses)
※Babayaran kung ginawa ang pagpapaikli ng business hours sa buong requested period lamang.
〇 Para sa lahat ng target area ng kahilingan sa pagpapaikli ng business hours,
hinihiling na huwag magserve ng anumang uri ng alak buong araw.
〇 Sa lahat ng mga business establishments sa loob ng Gifu Prefecture, hinihiling na
iwasan o pigilan ang paggamit ng karaoke set.
【Para sa mga Mamamayan ng Prepektura】
〇 Hinihiling na iwasan ang pagpunta sa mga restawran, atbp na walang
masusing mga hakbang sa pag-iwas sa impeksyon o mga restawran na hindi
tumutugon sa mga kahilingan para sa pagpapaikli ng business hours.
〇 Iwasan ang madaming tao na pagtitipon at mahabang oras ng inuman,
maging sa bahay man o sa labas.
〇 Hinihiling na iwasan ang mag-barbecue sa mga ilog/riverbeds
(isasara ang daan sa pagpasok sa ilog/riverbeds)
Countermeasure 2: Limitasyon sa Paglabas
〇 Iwasan o ipagpaliban ang mga hindi importanteng lakad sa araw man o gabi.
〇 Iwasan ang hindi kinakailangan at hindi importanteng paglabas-pasok sa Aichi
at mga lugar na may State of Emergency o Semi (Quasi)- State of Emergency.