(2021.05.20)
Gifu Semi-State of Emergency Additional Preventive Measures
(Buod para sa Kahilingan sa Pagpapaikli ng Business Hours ng mga Restawran, atbp.)
Napagpasyahan : 2021 Mayo 15
COVID-19 Infection Countermeasures HQ Gifu Prefectural Government
Panahon ng Pagpapatupad:hanggang 2021 Mayo 31
Pagpapalawak ng target na lugar para sa mga kahilingan sa pagpapaikli ng business hours ng mga restawran, atbp sa buong Prepektura
○Mga Preventive Measures hanggang Ngayon
・Target na Industriya:
①Restawran:Restawran(kasama na ang mga Izakaya), Coffee shop, atbp.
②Amusement facilities, atbp.:Bar, Karaoke box, atbp., mga tindahan na may business permit sa ilalim ng Food Sanitation Law
・Detalye ng Kahilingan:Pagpapaikli ng Business Hours:5:00 ~ 20:00
・Huwag mag-serve ng alak the whole day (kabilang ang pagdala ng alak sa tindahan)
・Iwasan ang paggamit ng karaoke
・Target Area:Gifu-shi, Ogaki-shi, Tajimi-shi, Seki-shi, Nakatsugawa-shi, Hashima-shi, Minokamo-shi, Toki-shi, Kakamigahara-shi, Kani-shi, Mizuho-shi, Motosu-shi, Ginan-cho, Kasamatsu-cho, Yoro-cho, Kitagata-cho
・Target Period:mula Mayo 9 (Linggo) hanggang Mayo 31 (Lunes) (23 days)
・Compliance Fund:Bawat branch ng small/ medium businesses:¥30,000 ~ ¥100,000
Large companies:Decrease sa daily sales x 0.4
(Hanggang ¥200,000. Maaari din piliin ang option na ito ng small/ medium businesses
○ Expansion ng target area para sa Preventive Measures
・Target Area:Takayama-shi, Mizunami-shi, Ena-shi, Yamagata-shi, Gero-shi, Mitake-cho
・Target Period:mula Mayo 16 (Linggo) hanggang Mayo 31 (Lunes), 16 days
・Bilang karagdagan, sa ilalim ng Article 11, Paragraph 1, hinihiling namin ang large-scale assembly facilities, atbp. na makipagtulungan sa pagpapaikli ng Business hours base sa Article 24, Paragraph 9.
○ Sa Request ng Pagpapaikli ng Business Hours sa Ibang mga Rehiyon sa Gifu
・Target Area:20 munisipalidad maliban sa target areas ng preventive measures
・Target Period:mula Mayo 16 (Linggo) hanggang Mayo 31 (Lunes) , 16 days
・Detalye ng Kahilingan:pagpapaikli ng Business hours 5:00 ~ 20:00 (Pagsisilbi ng alak mula 11:00 hanggang 19:00)
・Iwasan ang paggamit ng karaoke
・Compliance Fund:Bawat branch ng small/ medium businesses:¥25,000 ~¥75,000
Large companies:Decrease sa daily sales x 0.4
(Hanggang ¥200,000 o x 0.3 sa decrease ng daily sales.
Maaari din piliin ang option na ito ng small/ medium businesses)
※Ang mga karagdagang lugar para sa Preventive Measures at iba pang mga lugar ay maaaring magsimula mula ika-17 (Lunes) at ika-18 (Martes).