Pangunahing Pahina
Impormasyon mula sa GIC
Lubos na Pag-iingat sa Risk ng Infection nitong Summer (Outline)

Lubos na Pag-iingat sa Risk ng Infection nitong Summer (Outline)

       Napagpasyahan : Hulyo 20, 2021

COVID-19 Infection Countermeasures HQ Gifu Prefectural Government

Panahon ng Pagpapatupad:mula Hulyo 22 hanggang Agosto 31, 2021

 

 

 

Tinatawagan ang lahat ng mga mamamayan at mga negosyo sa Gifu Prefecture na umaksyon upang maprotektahan hindi lamang ang sariling buhay, ngunit pati na rin ang buhay ng mga kaibigan at mahal sa buhay.

  

COVID Countermeasure 1 : Summer Countermeasure

Pag-iwas sa risk nitong Summer:

〇Pagisipan ng mabuti ang gagawin at isaalangalang din ang pag-iwas sa impeksyon (kung manggagaling ka sa lugar na laganap ang COVID infection, mas mabuting ipagpaliban umuwi nitong bakasyon).

〇Iwasan ang inuman, kainan at pag-meet sa mga tao na hindi madalas nakakasalamuha, katulad ng mga bisitang kamag-anak o kaibigan.

〇Iwasan pumunta o mamasyal sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID infection. Kung mag-bbq o party, mas mainam gawin kasama ng mga kasambahay.

〇Ang fireworks, summer festivals, atbp. ay gaganapin nang may sapat na espasyo sa bawat tao.

Olympics (7/23~ 8/8) at Paralympics (8/249/5) Countermeasures:

〇Maging sa bahay o labas man, iwasan manood ng TV kasama ng madaming tao habang umiinom o kumakain.

 

COVID Countermeasure 2 : Ipagpatuloy ang Masusing Pagpapatupad ng New Behavior Guidelines

Ipagpatuloy magsuot ng mask, handwashing, umiwas sa mataong lugar, at gawin ang pag-check ng physical condition.

Mag-ingat sa pag-travel sa ibang bayan o lugar

・Iwasan pumunta o lumabas-pasok sa mga lugar na kumalat ang COVID infection tulad sa Tokyo metropolitan area.

Masusing pag-iwas sa risk ng infection sa mga kainan at inuman

・Gawin ito sa maliit na bilang na mga tao, maikling panahon, huwag magpaka- lasing, iwasan mag- usap ng malakas na boses at gumamit ng mask kung mag- uusap.

・Sa mga pipiliin na restaurant o kainan at inuman, siguraduhin na pumunta lamang sa mga nagpapatupad ng measures sa pag-iwas ng impeksyon at may naka-post na "Sticker for Business Branches Implementing COVID-19 Measures"