Pangunahing Pahina
Impormasyon mula sa GIC
COVID-19 VACCINE INFORMATION

2021.10.20

COVID-19 VACCINE INFORMATION

 

Target at Priority na Tao

 Ang target ay mga taong 12y/o pataas na nais makatanggap ng bakuna. (Ang mga bakuna ng Pfizer / Takeda / Moderna ay para sa mga taong may edad na 12 pataas, at ang mga bakunang AstraZeneca ay para sa mga taong may edad na 40 pataas.)

1- Medical staff, atbp. (frontliners)

2- Mga matatanda (mga ipinanganak bago Abril 1, 1957)

3- Mga may karamdaman, mga staff sa mga pasilidad para sa mga matatanda, atbp.

4- Iba pang mga karaniwang tao


When and Where (venue)

 Ang panahon ng pagbabakuna ay naka-iskedyul hanggang sa katapusan ng Pebrero 2022.

 Bilang general rule, gagawin ang pagpapabakuna sa medical institutions at vaccination venues ng munisipyo kung saan ka naka rehistro na residente.

 Para sa mga detalye, mangyaring kunin ang impormasyon sa iyong munisipyo (Public Relations).


Proseso para makuha ang Vaccine

Bago ang araw ng bakuna, makakatanggap ka ng "vaccine ticket" at "vaccine notice" mula sa iyong munisipyo. Mangyaring i-check muna ang impormasyon na ilalabas ng mga medical institutions at munisipyo (Public Relations, atbp.) bago magpareserba sa pamamagitan ng telepono o Internet.


Vaccine Fee

 LIBRE ang vaccine.


Consent sa pagtanggap ng Vaccine

 Ang pagbabakuna ay hindi sapilitan. Makukuha lamang ito kung magbibigay ka ng iyong consent.

 Ang mga tatanggap ng vaccine ay dapat na maunawaan muna ang epekto ng vaccine laban sa infection at risks ng side- effects, bago makatanggap ng bakuna.


Preventive effect ng Vaccine

Ang kasalukuyang naaprubahang Pfizer vaccine ay naiulat na 95% epektibo laban sa covid infection pagkatapos ng dalawang doses/shots (ang 2nd dose ay 3 weeks pagkatapos ng 1st dose), at ang bakunang Takeda / Moderna ay dalawang doses/shots (ang 2nd dose ay 4 weeks pagkatapos ng 1st dose). (*Ang Influenza Vaccine ay 40%~60%)


Kaligtasan ng Vaccine

Pagkatapos ng pagbabakuna, maaaring makaranas ng side- effects tulad ng pananakit sa parte ng pinagbakunahan, lagnat atbp. Ngunit ang karamihan ay gumagaling pagkatapos ng ilang araw.

Ang seryosong side- effect, anaphylaxis*, ng Pfizer vaccine ay naiulat na sa loob ng 1 milyong katao meron 5 katao nagkaroon nito. Ngunit, mayroong nakahandang mga gamot sa venues para agad itong matugunan.

*Severe allergic reaction sa lamang sangkap ng bakuna na maaaring maganap sa maikling panahon.


Kapag ang pagbabakuna ay nagdulot ng problema sa kalusugan 

Kung ang pagbabakuna ay nagdulot ng problema sa kalusugan at nangangailangan ng paggamot sa medikal na institusyon o kung mayroon kang kapansanan, maaari kang makatanggap ng tulong (mga benepisyo tulad ng medikal na gastos, Disability Pension, atbp.) batay sa Vaccination Law.