(2024.08.06)
Ang bakasyon sa tag-araw ay narito na at panahon na din ng paglangoy sa dagat. Sa patuloy na mainit na panahon, marami ng bumibisita sa dagat, na mauuwi rin sa pagdami ng mga aksidenteng nalulunod.
Upang matiyak na makakaranas kayo ng ligtas na paglangoy sa dagat, narito ang mga bagay na hinihiling ng Tsuruga Coast Guard para sa inyong kaligtasan.
Kapag naliligo sa dagat, siguraduhing:
◎Lumangoy sa mga ligtas na lugar na may mga tagapagligtas at tagamasid!
◎Huwag alisin ang mata sa mga bata!
◎Huwag pumasok sa dagat kung ikaw ay nakainom!
◎Mag-ingat sa biglaang pagbabago ng panahon!
Maging maingat sa mga bagay na ito upang makapag-enjoy sa tag-init sa dagat nang walang aksidente!
Bukod sa paglangoy, para sa mga sasakay ng pleasure boat o mini boat, tiyaking magsuot ng life jacket at suriin ang lagay ng panahon para sa inyong kaligtasan.
Para sa mas detalyadong mga paalala tungkol sa mga aktibidad sa dagat, maaaring tingnan ang↓
Water Safety Guide
https://www6.kaiho.mlit.go.jp/watersafety/
Para sa impormasyon tungkol sa lagay ng panahon sa dagat, maaari itong tingnan dito↓
Sea Safety Information