Unahan ng Pahina > Tungkol sa GIC
Tungkol sa GIC
GIC Mailing List

Mayroong mailing list para sa international exchange sa prepektura, samahan ng pakikipagtulungan, NGO at NPO, paaralan, kawani ng edukasyon sa munisipalidad at iba pang kinatawan para sa pagbuo ng networking na magbibigay daan para sa palitan ng ideya at impormasyon. Inaanyayahan ang bawat indibiduwal o grupo para sa partisipasyon.


Ano ang mailing list

Ang mga rehistradong miyembro ay maaaring makipagpalitan ng impormasyon sa pamamagitan ng e-mail. Ang mga pangalan o mail address ng mga rehistradong miyembro ay hindi ilalathala sa publiko. Bilang karadagan para sa hindi regular na ipinadadalang impormasyon ng GIC, maaari rin magpadala ang mga indibiduwal ng kanilang impormasyon sa mga rehistradong miyembro ng serbisyo na ito.


Anong mga impormasyon ang ipinadadala

Ang serbisyong ito ay limitado para lamang sa impomasyon may kinalaman sa international exchange at samahan ng pakikipagtulungan. Mangyaring itigil ang mga e-mail ng paninirang-puri sa ibang grupo, e-mail para sa layunin ng pagkakakitaan o e-mail na walang koneksyon sa international exchange o samahan ng pakikipagtulungan. Hindi responsibilidad ng GIC anumang problema ang maaaring mangyari dahilan sa mailing list. Para sa pangkalahatan, ang palitan ng impormasyon ay isasagawa sa wikang Hapon.


Paraan ng Pagpaparehistro

Pindutin ang homepage ng GIC na nasa wikang Hapon at punan ng mga impormasyon ang application form ng Mailing List na nakasaad sa ibaba at mangyaring ipadala rin ito sa pamamagitan ng e-mail.

http://203.211.187.176/aboutgic/mailinglist/

Makikipag-ugnayan kami sa inyo para sa detalye ng paraan ng paggamit ng mailing list sa sandaling makumpirma ang inyong rehistrasyon.