◆Multilingual Disaster Prevention Guide
Ang GIC ay gumawa ng Multilingual Disaster Prevention Guide sa mga wikang banyaga na nagpapaliwanag kung ano ang gagawin kapag nangyari ang isang sakuna, pag-iingat na dapat gawin kapag lumikas, at mga hakbang sa pag-iwas sa oras ng kalamidad, upang ang mga dayuhan ay maiwasan ang matinding epekto kung sakaling magkaroon ng isang natural na kalamidad.
Ang Disaster Prevention Guide ay pocket size at mayroong isang puwang para sa iyo upang isulat ang iyong personal na mga detalye at impormasyon ng mga emergency contact.
Mangyaring makipag-ugnay sa amin kung nais ng Disaster Prevention Guide, o mag-download sa link sa ibaba.
・Japanese・Portuguese・Tagalog Disaster Prevention Guide :
Multilingual 119
Ipatutupad ng Headquarters ng Fire Department sa buong Gifu Prefecture ang interpretasyon para sa isang emergency gamit ang Triophone sa pagtawag sa 119.
Sinusuportahan nito ang 18 mga wika. Mangyaring i-download ang leaflet.
Maaaring magkakaroon ng kalamidad (disaster) anumang oras.
Bukod dito, huwag mag-akala na ligtas kayo dahil wala pang nilalabas na impormasyon
sa paglikas sa inyong lugar. Responsibilidad ninyong protektahan ang inyong buhay.
Lumikas ng maaga kung nakakaramdam na ng panganib.
〇 Ano ang 'Paglikas (Evacuation)'?
Ito ay paglipat sa ligtas na lugar upang maprotektahan ang sariling buhay mula
sa kalamidad.
〇 Evacuation Site (hinan basho)
Lumikas sa ligtas na lugar (hal. school grounds at parks) kung ang mga gusali
ay gumuguho o may sunog.
Kung hindi alam kung saan ang Evacuation Site, magtanong sa munisipyo o mga
kapitbahay.
〇Kapag lilikas sa Evacuation Center
◆ Maglakad papunta sa Evacuation Center, huwag gumamit ng sasakyan.
◆ Hangga't maaari kaunting gamit lang ang bitbitin.
Residence Card, Passport, Cash, Bankbook, Cellphone, Radyo, Tubig na inumin,
Pagkain, Pamalit na Damit, Flashlight, Charger ng Cellphone (baterya) atbp.
◆ Ang mga outlet ay hindi magagamit sa mga evacuation center.
Mangyaring magdala ng battery- type charger/ power bank.
〇Ano ang gagawin sa Evacution Center
◆Irehistro muna ang inyong pangalan at iba't ibang impormasyon sa reception counter.
Ito ay para maipaalam na kayo ay naruroon.
◆Iba't ibang tao ang nanunuluyan sa Center. Kung kaya't sundin ang mga patakaran ng center.
Makukumpirma kung ligtas at kung nasaan ang pamilya at mga kaibigan.
〇"Disaster Message Board" sa Mobile Phone
Kapag may naganap na malaking disaster
(tulad ng seismic intensity 6 o mas malakas na lindol),
may biglang lalabas na website sa tuktok ng screen ng phone na naka-link sa
"Disaster Message Board".
①"Disaster Message Board", website service ng mga mobile phone
(maaaring ma-access sa Japanese o English at maaaring maglagay o mag iwan
ng mensahe).
②Kung ang kapamilya o kaibigan ay nag-access sa "Disaster Message Board" gamit
ang kanilang mobile phone o computer, at kung ipapasok mo ang phone number mo, maaari mong makikita ang mensahe na iniwan nila sa Disaster Message Board.
Kumuha ng tamang impormasyon sa lahat ng oras. Kumuha ng impormasyon
sa telebisyon, radyo, at munisipyo.
〇Internet
・Multi-lingual Internet Site NHK WORLD
※18 Language Support
https://www3.nhk.or.jp/nhkworld/
・Gifu Prefecture Disaster Portal Site
https://www.pref.gifu.lg.jp/bousai/tl/index.html
〇Twitter
・Japan Safe Travel ※ Ingles lamang
https://twitter.com/JapanSafeTravel
〇Applications o Apps
・Safery tips
Ang app na ito, na binuo sa ilalim ng pangangasiwa ng ahensya ng Turismo ng Japan, ay isang libreng app na naghahatid sa inyo ng mga unang babala sa lindol, mga babala sa tsunami, mga babala sa pagsabog ng bulkan, mga espesyal na babala, impormasyon ng heat stroke, at impormasyong proteksyon ng bansa sa Japan. Para sa mga dayuhang turista na bumibisita sa Japan, may mga iba't-ibang mga function na kapaki-pakinabang sa kaganapan ng isang kalamidad.
Wika:English, Chinese, Korean at Japanese
・Android : https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.co.rcsc.safetyTips.android
・iPhone:https://itunes.apple.com/jp/app/safety-tips/id858357174?mt=8
〇Radyo
・Gifu chan AM:1431kHz
・FM Gifu FM:80.0MHz
・NHK AM 1:729kHz
・NHK AM 2:909kHz / FM:83.6MHz
・CBC AM:1053kHz
・Tokai AM:1332kHz
〇 Ano ang gagawin sa Evacution Center
◆ Irehistro muna ang inyong pangalan at iba't ibang impormasyon sa reception counter.
Ito ay para maipaalam na kayo ay naruroon.
◆ Iba't ibang tao ang nanunuluyan sa Center. Kung kaya't sundin ang mga patakaran
ng center.