Unahan ng Pahina > Para sa lahat ng Dayuhan
Para sa lahat ng Dayuhan
Gifu Prefecture Medical Interpreter Volunteer Project

 

 Nagpapatakbo ang Gifu prefecture ng isang sistema na nag-aayos ng mga boluntaryong medikal interpreter na may kaalaman at kasanayan sa antas na hindi mababa, batay sa mga kahilingan ng mga pasilidad ng pangangalaga sa kalusugan, upang matiyak na ang mga dayuhan na may limitadong kaalaman sa wikang Hapon ay makakakuha ng serbisyong medekal nang may kapanatagan. Ang mga wika na tinutugunan ay (Portuges, Tsino, Tagalog at Vietnamese)

 

※Kung nais mong gamitin ang serbisyo, tingnan ang mga Regulasyon sa pag-gamitat ipadala ang Application form sa center sa pamamagitan ng e-mail o koreo.

※Mag-aayos kami ng mga boluntaryong medikal interpreter sa kahilingan ng mga medikal insitution.

Kung ikaw ay isang dayuhan na gustong magkaroon ng interpreter, mangyaring makipag-ugnayan sa affiliated na Medical Institution sa ibaba.

※Kung ikaw ay isang dayuhan na first time magpapatingin sa Medical Institution, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Center (058-263-8066).

Medical Interpreter Image.png

  


1 Medical Institution na may Medical Interpreter Volunteer (2024 Abril ~  kasalukuyan)

  1. Gifu University Hospital (Gifu City)
  2. Gifu Prefectural General Medical Center (Gifu City)
  3. Gifu Municipal Hospital (Gifu City)
  4. Tokai Central Hospital (Kakamigahara City)
  5. Chuno Kosei Hospital (Seki City)
  6. Chubu International Medical Center (Minokamo City)
  7. Nagara Medical Center (Gifu City)
  8. Miyakoen (Gifu City)
  9. Ogaki Tokushukai Hospital (Ogaki City)
  10. Japanese Red Cross Gifu Hospital (Gifu City)
  11. Asahi University Medical & Dental Center (Mizuho City)
  12. Gifu Prefectural Tajimi Hospital (Tajimi City)
  13. Hashima Municipal Hospital (Hashima City)
  14. Ogaki Municipal Hospital (Ogaki City)
  15. Matsunami General Hospital (Kasamatsu Town)
  16. Komaki Internal Medicine Clinic (Gifu City)

2 Paraan ng interpretasyon


Face-to-face na interpretation (interpretation sa isang medical institution) o online na interpretation (Zoom.Skype, atbp.).

3 Ipadadalang mga Medical Interpreter Volunteer (2024 Abril~  kasalukuyan)


Mga rehistrado na nakapasa sa pagsusulit ng Medical Interpreter Volunteer na isinagawa ng GIC ngayong taon.

Bilang ng mga Rehistrado 39 katao (Listahan ayon sa Wika)

Chinese 16 katao, Portuguese 14 katao, , Tagalog 5 katao, Vietnam 4 katao

 

 

4 Sistema ng Pagpapadala ng Medical Interpreter Volunteer

 

(1) Bilang patakaran, kailangan humiling ang medical institution ng medical interpreter volunteer sa tanggapan (GIC) ng Pagpapadala ng mga Medical Interpreter Volunteer ng mas maaga, 3 araw bago sa araw na kailangan ang interpreter.(hindi kabilang sa bilang ng araw ang holiday ng tanggapan)

(2) Magpapadala ang tanggapan mula sa mga naka-rehistrong medical interpreter volunteer ng maaaring tumugon sa nilalaman ng kahilingan.

(3) Isasagawa ang interpretasyon ng medical interpreter volunteer sa itinakdang araw at oras ayon sa kahilingan ng medical institution. Mga 2 oras maaaring tumagal ang bawat interpretasyon.

 

 

5 Pabuya o Bayad Bilang Pasasalamat sa Medical Interpreter Volunteer

 

Sa ilalim ng sistemang ito ang ospital o pasyente na humiling ng sistem ay responsable para sa reimbursement.

Ang reimbursement ay nakatakda sa 3,000 yen (kabilang ang mga gastos sa transportasyon)