Para sa ikasusulong ng mabuting ugnayan ng Gifu Ken sa ibang mga bansa at mapalalim ang kaunawaan may kinalaman sa Gifu Ken. Ang GIC ay nagbibigay ng scholarship para sa mga dayuhan o internasyonal na mag-aaral na nahihirapan sa pinansyal o pamumuhay na nag-aaral o nagtapos sa unibersidad・vocational school ng Prepektura.
Ang aplikasyon ay sa pamamagitan ng unibersidad. Mangyaring ipasa ang aplikasyon sa personnel in charge ng scholarship.
Taun-taon, mula buwan ng Abril hanggang sa unang bahagi ng buwan ng Hunyo ay nagsasagawa ng pangangalap para sa mga aplikante sa pamamagitan ng paaralan.
1 Mag-aaral na mayroong patunay na nag-aaral sa unibersidad atbp., na naka-enroll sa paaralan mula Abril hanggang Marso.
2 Mag-aaral na mayroong residence status ng "Student Visa" na tinutukoy sa unang bahagi ng pang-apat na talaan ng Immigration Control at Refugee Recognition Act.
3 Mag-aaral na hindi tumatanggap ng scholarship mula sa Center o sa iba pa na may katulad na scholarship.
4 Mag-aaral na nakarehistro sa munisipalidad ng Prepektura sa oras ng aplikasyon.
5 Mag-aaral na mapapatunayan na nangangailangan ng pinansyal na tulong para sa pag-aaral.
6 Mag-aaral na may magandang academic record, na may mabuting pakikipagkapwa-tao at walang record sa paglubag sa batas.
7 Mag-aaral na may interes at pang-unawa sa gawaing International at Regional Exchange.
5 mag-aaral taun-taon
Magbabayad ng ¥30,000 buwan-buwan (¥360,000 sa loob ng isang taon) para sa kailangan na bayarin sa isang taon na pag-aaral.
Isumite ang「Application form para sa Scholarship para sa Dayuhang Mag-aaral」 kasama ang 「Kopya ng Alien Registration Card o Residence Card」sa office in charge hanggang sa itinalagangn araw ng enrollment ng papasukan na unibersidad .
Susuriin ang mga dokumento para sa aplikasyon mula sa rekomendasyon ng mga unibersidad atbp., pipiliin at pagpapasyahan ng mga komite sa pagpili at ipadadala ang resulta sa pamamagitan ng unibersidad sa bandang katapusang ng Hulyo. (Sakaling mapili, kung kinakailangan ay magsasagawa ng interview.)
Ipapadala ang bayad o halaga 3 beses sa isang taon sa pamamagitan ng bank transfer o remittance sa institusyong pangpinansyal kung saan nakatalaga ang iskolar na mag-aaral.